Travel ban sa Indonesia hindi huli–Palasyo

NANINIWALA si presidential spokesperson Harry Roque na hindi nahuli ang Pilipinas sa pagpapalabas ng travel ban sa Indonesia sa harap ng pananalasa ng Delta variant doon.


“Hindi naman po too late iyan kasi mayroon naman pong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing sa Indonesia,” sabi ni Roque.


Magsisimula ang travel ban sa Hulyo 16 at tatagal hanggang Hulyo 31.


“Well, unang-una po wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investors visa na inisyu natin. So, sa datos po na nanggaling po sa gobyerno natin, from the month of April, May, June at July, ang suma total lang naman po ng mga dumating galing sa Indonesia ay 724,” paliwanag ni Roque.


Nalampasan na ng Indonesia ang India sa dami ng tinamaan ng Delta variant. –WC