Para maibsan lungkot sa pakatalo ni Kiko; Sharon manonood ng K-pop concert

PARA mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya sa sinapit ng kandidatura ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan, inihayag ni Sharon Cuneta na manonood siya ng concert ng paborito niyang K-pop artists.

Sa Instagram ay nirepost niya ang ulat ng Rappler na kabilang sa mga South Korean acts na magpe-perform sa Pilipinas ang NCT Dream, WEi, ALICE, at ang lead singer ng SHINee na si Key,

“I’ve been waiting for years. Just what I needed to ease the pain of a heartbreak,” caption ni Sharon.

Isa ang Megastar sa milyon-milyong Pinoy na tagahanga ng mga K-pop artists.

Matatandaan na habang ikinakampanya niya si Kiko nitong April ay nawindang si Sharon nang abutan siya ng fan ng photocard ni Mark Lee ng NCT 127.

“This is…oh my God, it’s Mark Lee!” aniya sa audience. “Thank you so much!”

Agad naman niyang kinanta ang”Favorite” ng NCT 127 na ikinaaliw ng crowd.

“Millennial din ako. Sorry,” biro niya.

Lalong natuwa si Sharon nang isa pang fan ang nagbigay sa kanya ng photocard ni Mina ng TWICE.

“Sino ito? Si Mina? TWICE! Akin na ba ito? I love you, salamat!” dagdag niya sabay kanta naman sa hit song ng girl group na “TT.”