Robin pahinga muna sa showbiz

INANUNSYO ni senator-elect Robin Padilla na hindi muna siya tatanggap ng show biz projects upang makapagpokus sa pagiging lingkod-bayan.

“Mahalaga sa akin magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas,” ani Robin na nanguna sa senatorial race sa nakaraang halalan.

Aniya, ang “Mistah 2” na tungkol sa Marawi siege ang magiging huling pelikula niya.

“Last movie ko na ‘yon. Mananatili na lang :yung show ko sa TV. Pero sa show biz, last ko na ‘yon,” paliwanag ng action star-politician.

“Hindi puwedeng hindi matuloy ‘yon kasi marami nabitin doon, nagkapandemya, nag-umpisa pa kampanya kaya di agad puwedeng gawin. Kailangang gawin ‘yon kasi history natin ‘yon,” dagdag ni Robin.

Ayon sa kanya, unang pagtutuunan niya ng pansin sa pag-upo bilang senador ay ang mga isyu ng constitutional reform, defense at security.