Paolo Contis binati ang anak, inokray ng netizens

BINATI ng aktor na si Paolo Contis ang anak niya kay LJ Reyes na si Summer sa ikaapat na kaarawan nito ngayong araw.

Sa Instagram, nag-post si Paolo ng litrato nila ng anak na si Summer at nilakipan ng caption na “Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday!”

Pero imbes na matuwa, tila naaburido ang netizens kay Paolo.

“Happy birthday as a friend.”

“Sinungaling everyday daw.”

“I miss you everyday as a friend”

“Sayo na yang everyday mo.. kainin mo lamunin mo walang may paki.”

“Kapal ng mukha mo maka miss ng anak. e lahat ng anak mo ganyan gnwa mo. iniwan mo.

Nasa US si Summer kasama si LJ at kapatid na si Aki, anak ni Paulo Avelino.

Doon na nagdesisyong manirahan si LJ kasama ang dalawang bata makaraan ang hiwalayan nila ni Paolo.