House and lot regalo ni Rabiya sa ina

DESERVE niya po. Ilang years din siya nagsakripisyo for me. Ilang years din siya hindi nakabili ng bagong damit kasi iba ‘yung priority niya pero this time, it’s my time na to give back.”

Ito ang inihayag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo makaraan regaluhan ng bagong bahay at lupa sa Iloilo ang ina niyang si Christine.

Sa isang panayam, sinabi ni Rabiya na may sukat na 200-square meter ang property na binili niya.

Ayon sa actress-beauty queen, pinag-ipunan niya ang house and lot para sa ina dahil mag-isa nitong tinaguyod ang kanilang pamilya.

“Mas inspired ako to do so much better kasi inaalay ko talaga ito sa mom ko. Like siya lang kasi mag-isang nagtaguyod sa amin, siya lang. Kaya deserve niya lahat,” dagdag niya.

Isiniwalat din ni Rabiya na lahat ng kinikita niya sa mga shows at endorsement ay sinisinop niya.

“Ang dami talagang nagsasabi sa akin na you have to buy this branded item kasi artista ka na. Do’n pa rin ako sa mga simpleng bagay. Instead of buying branded items, in-invest ko siya sa negosyo,” sambit niya