Pangarap ni Paolo gumuho sa pagkawala ng show

DAHIL sa biglaang pamamaalam sa ere ng kanyang noontime show na “Tahanang Pinakamasya,” hindi na tuloy ang pagbili ng bahay ni Paolo Contis.

Ayon sa kanyang manager na si Lolit Solis, imbes na house and lot ay drawing ng bahay na lang ang bibilihin ni Paolo.

“According to him, bibili na sana ng bahay (pero dahil nawala ang show), bibili na lang siya ng drawing ng bahay,” chika ni Lolit.

Dagdag ng talent manager, masaya si Paolo nang magkaroon ng daily show dahil makakaipon na ito kaya ganoon na lang daw ang pagkadismaya nito nang magbabu ang “Tahanang Pinakamasaya.”

Sa kabila nito, pinayuhan ni Lolit si Paolo na huwag nang magreklamo sa desisyon ng GMA-7.

“Nalungkot siya pero sabi ko nga sa kanya, huminto na ng… complain kung bakit inalis ng GMA, ‘di ba? Bigyan niya ng right ang GMA kung ano ang gustong gawin tapos maghintay na lang siya,” aniya.

“Malay mo, may magandang dumating,” dagdag ni Lolit.

Mayroon pa namang natitirang show si Paolo, ang “Bubble Gang,” kaya doon muna pinagpopokus ni Lolit ang alaga habang naghihintay pa ng bagong offer.