Nadine: ‘Dragon lady’

PROUD na ipinakita ng aktres na si Nadine Lustre ang kanyang bagong ink na dragon.

Black and gray ang style ng tattoo na iminarka sa kanyang braso na lumagpas sa balikat.

Likha ang tattoo ng Vimana Tattoo Studio sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Mayroon pang 12 tattoo si Nadine. Kabilang dito ang lotus flower sa kaliwang braso, lyrics ng kantang “Tadhana” sa kaliwang braso pa rin, buwan sa kanyang kaliwang pulso, friendship tattoo sa kanang kamay, at Japanese character sa kanang braso.