Maymay flinex academic achievement

FLINEX ng singer-actress na si Maymay Entrata ang kanyang bagong achievement bilang mag-aaral ng University of Science and Technology of Southern Philippines.

Sa post sa Instagram, ipinakita ng “Amakabogera” singer ang art card mula sa USTP kung saan nakalista ang mga third honors sa kursong Technology Communication Management.
Dito ay makikita ang totoong name ni Maymay na Mary Dale Estrada na mayroong GPA na 1.75.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga fans na sinabing “total package” ang Kapamilya artist.

“Hindi ka man kagandahan nasa iyo naman ang katalinuhan. Ang talino mo ang mag-aangat sa iyo.”

“Amakabogera talaga siya.”

“Isa kang modelo ng kabataan. Bukod sa matalino, napaka humble, talented pa at matulungin sa kapwa. Keep it up and God bless.”

“Congrats May nakakaproud mga kagaya mo.”