Mark Herras maraming cash advance sa GMA–Lolit Solis

BINITAWAN na ng showbiz columnist and talent manager na si Lolit Solis ang alagang aktor na si Mark Herras bago niya ibuking na baon ito sa cash advance sa GMA-7.


Sa Instagram, isiniwalat ni Solis na ipinaubaya na niya ang pangangalaga sa karera ng aktor sa GMA Artist Center.


“Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya (Herras). After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya eversince,” ani Solis.


“At para na rin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA-7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF (talent fee) niya,” dagdag ng talent manager.


Kamakailan ay ibinuking ni Solis na nangungutang sa kanya ng P30,000 si Herras para pambili ng gatas sa baby nito. –A. Mae Rodriguez