Gerald Anderson kay Bea Alonzo: Forgive me

HUMIHINGI ng tawad ang aktor na si Gerald Anderson sa ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo dahil sa pang-iiwan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.


Sa panayam ni Boy Abunda, sinabi ni Anderson na gusto niya kausapin si Alonzo nang personal para humingi ng paumanhin.


“I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” ani Anderson.


Tinanong ni Abunda kung balak ding kausapin ni Anderson ang boyfriend ni Alonzo na Dominic Roque.


Sagot niya: “More siguro kay Bea. I mean, wag na po siguro tayong mandamay ng ibang tao.”


Matatandaang isiniwalat ni Alonzo noong 2019 na bigla na lang siyang hindi kinausap ni Anderson na boyfriend niya ng ilang taon.


Kinalaunan ay lumabas ang balita na karelasyon na ni Anderson si Julia Barretto.
–A. Mae Rodriguez