Hacker nag-post ng bold picture sa FB page ni Herbert Bautista

NA-HACK nitong Biyernes ang Facebook account ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kung saan nag-post ang hacker ng hubad na larawan ng babae.
Sa kalatas, inihayag ng kampo ni Bautista na walang kinalaman ang dating alkalde sa malaswang FB story.


“We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access,” ayon sa admin statement ng naturang Facebook page.


“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly,” dagdag pa ng kampo ni Herbert.


Makikita sa post ang isang babae na tanging face mask lamang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan. –A Mae Rodriguez