Janine napa-react sa bikini body ni Chie


ISA ang aktres na si Janine Gutierrez sa mga nawindang sa Instagram photo ng TV personality na si Chie Filomeno.

“Ayoko na!!!!!!!” chika ni Janine sa comment section ng post.

Ibinandera ni Chie ang kanyang pre-summer body nitong Huwebes ng umaga kalakip ang caption na “Maayong buntag sa inyo na tanan.”

Naging IG friends sina Chie at Janine nang magkomento at i-like ng una ang photo ng huli na naka-bikini at sheer body suit noong nakaraang taon.

“POWWWWEEEER,” react ni Chie sa Instagram post ni Janine. Hindi pa nakuntento, nagkomento pa si Chie ng mga heart emojis.