Ruru, Bianca itinadhana


KAHIT abala sa taping ng kani-kanilang mga shows sa Kapuso network ay nakagawa ng paraan ang magkasintahan na sina Ruru Madrid at Bianca Umali na magkita at mag-date.

Sa Facebook at Instagram ay ibinahagi ni Ruru ang date nila ni Bianca sa Alfonso, Cavite. Kuwento ni Ruru: “Taping day today ng Black Rider at Sang’gre at nagkataon na magkalapit lang ang location namin at sabay kaming natengga.

Kaya ayun nag date muna kami…Tadhana nga naman.”

“Yun lang! Bye! I love u Mahal! @bianxa,” dagdag ni Ruru.

“I love you, Mahal. Anytime, anywhere–always,” sey naman ni Bianca sa comment section.