Daniel nagbebenta na rin ng negosyo?

ISINIWALAT ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na hindi pa tapos ang ginagawa ni Daniel Padilla na pagbebenta ng mga naipundar sa mahigit 13 taon na pag-aartista.

Sa kanyang online show na Cristy Ferminute, ibinahagi ni Cristy na nasagap niya mula sa isang source na ipinagbibili ni Daniel ang ilang mga negosyo, kabilang ang fast food restaurant nito sa Tacloban City.

“Si Daniel Padilla, matapos po nating masaksihan ‘yung pagbebenta ng sasakyan, at ibinebenta na rin po ‘yung unang bahay na kanyang naipundar mula nung sumikat siya, aba pati raw ‘yung mga naipundar na negosyo, e binebenta na rin,” ani Cristy.

“Pati raw ‘yung kilalang-kilala na alam mo na, ‘yung naipatayo nila sa probinsya, sa Tacloban ata ‘yun, ‘yung food chain,” dagdag niya.

“Yung food chain mukhang binebenta na rin daw ng 50M. At may kwento pa na parang gusto nang umalis ng Pilipinas ni Daniel Padilla,” dagdag niya.

Matatandaan na matapos ipagbili ang kanyang Chervolet Corvete, inilagay rin sa market ni DJ ang kanyang Quezon City house sa halagang P50 million.

Bukas ang Publiko sa panig ni Daniel.