Netizens nilektyuran si Bato: Lupang Hinirang, titulo ng Pambansang Awit ng Pinas

NILAIT at pinagtawanan ng publiko si Senador Bato dela Rosa matapos sabihin na “Bayang Magiliw” imbes na “Lupang Hinirang” ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Samu’t saring batikos ang inabot ni dela Rosa matapos ang kanyang pahayag na dapat anya pakantahin ng “Bayang Magiliw” nang 1000 beses ang mga Pinoy na pabor sa International Criminal Court (ICC).

Anya, hindi nagmamahal sa bansa ang pumapanig sa ICC na siyang nag-iimbestiga ngayon sa war on drugs ng dating administrasyon.

“Ewan ko bakit itong mga bleeding hearts na gustong-gustong i-surrender ang ating sovereignty doon sa foreign bodies. Hindi sila nagmamahal sa ating bansa — they do not love this country. Gustong-gusto nilang i-surrender at gustong-gusto nilang babastusin ang ating mga korte,” pahayag ni dela Rosa sa panayam ng ANC nitong Miyerkules.

“Bakit naman ganu’n ang pag-iisip natin? I don’t know this kind of Filipinos. Siguro dapat ang mga Pilipino na ito dapat ay pakantahin natin nang 1,000 times ng Bayang Magiliw para matuto silang magmahal ng bansa,” dagdag pa niya.

Narito ang ilang post ng mga netizens: