Whamos gigil much kay Makagwapo: Di nga imbitado dami pang sinasabi

HINDI pa nakuntento sa isang post ay nag-live pa si Whamos Cruz para kastiguhin ang isa pang social media personality na pinuna ang mga kaganapan sa birthday party ng anak niyang si Meteor.

Sa kanyang post, hindi pinangalanan ni Whamos ang sentro ng kanyang ngitngit pero malinaw na ito ay si Christian Merck Grey alyas Makagwapo.

Rant niya kontra Makagwapo: “Langya di na mga imbitado sa bday ng baby ko ang dami pang sinasabi sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment sa mga nangyayari sa bday ng anak ko ano bang pakielam mo ehh sabit ka nanaman sa pangalan ko.”

“Abangan mo sasabihin ko sayo bukas gigil moko auko sana kita patulan kaso mag nag mumukang panget bday ng baby ko dahil sa sinasabi mo,” pagbabanta ni Whamos.

Tinotoo naman nito ang sinabi at nag-live para muling ratratin si Makagwapo, na kanya nang pinangalanan.

“Ikaw talaga yung kaibigan na hindi dapat kaibiganin kasi lahat ng mga nangyayari sine-share mo sa iba. Paano na lang kung private? Hindi ka pwede kasama sa mga private, boy!” bungad niya.

“Pre, konting hiya naman. Hindi ka na nga imbitado ikaw pa naglabas ng mga statement na ganyan,” dagdag ni Whamos.

Sinagot din niya isa-isa ang mga pamimintas ni Makagwapo, pero kinalaunan ay napagod din siya sa pagpapaliwanag.

“Wag na nating tapusin to, wala namang kwenta ‘to,” sey niya.

“Wala na, wala nang kwenta ‘to.” Dagdag niya, lahat ng dumalo sa party ay umuwing masaya.

“Lahat naging masaya, ikaw lang ang hindi, lintek ka! Hindi ka na nga inimbita, sabit ka na lang, ganyan pa mga sinasabi mo?

Matatandaan na ipinost ni Makagwapo sa Facebook ang mga reklamo niya sa birthday party ni Meteor.

Kabilang dito ang matagal na paghihintay bago papasukin sa venue ang mga bisita; na inabot ng madaling araw ang “children’s party’; na sinimulan ang okasyon sa pagkanta ng “Happy Birthday” song; ang sexy dance ni Antonette Gail na ina ng celebrator; pagpe-perform ng buong pamilya, kabilang si Whamos, na inabot nang ilang oras at parang naging talent show; at nakatulog ang may birthday sa haba ng programa.