Beauty queen-turned-councilor ng Laguna nagpatutsada nga ba kay Andrea Brillantes?

IBINAHAGI ni former beuaty queen and now Biñan, Laguna councilo Leren Mae Bautista, na sinasabing third party umano sa hiwalayang Andrea Brillantes at Ricci Rivero, ang dalawang cryptic posts sa Facebook na ayon sa netizens ay tila patutsada sa young actress.

Unang ipinost ni Leren, na may taguring “Queensehala ng Laguna,” ang reel na may caption na, “Pag wala kang ginawang mali just stay unbothered.”

Sa nasabing video ay inirampa ni Leren ang isang green tight-fitting dress sa saliw ng kantang “Rampa” ni Vice Ganda, na kaibigan naman ni Andrea.

Sa ikalawang video, ipinangalandakan naman ng konsehala na, “Hindi sya ganun kaganda pero classy sya.”

Inulan ng nega comments ang post ni Leren dahil sa pagbubuhat umano niya ang sariling bangko.

“Saan banda ante?’

“How is this classy? EXPOUND.”

“The design is very lumpia nakikisawsaw para sumikat.”

“Luh? 🤣 nakikimarites lang ako pero may pagbubuhat ng bangko. Ambigat ante.”

📷: Leren Mae Bautista/Faceboo