Carlos Yulo pasok sa World Artistic Gymnastics Championships

SIGURADO na ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa pwesto niya sa World Artistic Gymnastics Championships matapos yung maka-silver sa men’s individual all-around ng Asian Artistic Gymnastics Championships nitong Huwebes sa Singapore.

Pumangalawa si Yulo sa ikalawang pagkakataon sa nasabing palaro, matapos makakuha ng 85.930 points sa men’s all-around. Nasungkit naman ng Hapones na si Shinnosuke Oka ang ginto nang maka-iskor ng 86.065 points.

Nasa ikatlong pwesto naman ang isa pang Hapones na si Takeru Kitazono na may 85.431 points.

Kailangan lang ng Pinoy gymnast na makaabot sa top eight para makapasok sa World championship na gaganapin sa Belgium sa September para makalaro sa 2024 Paris Olympics.