Bea Gomez nagpasiklab sa Miss Universe prelims

CONFIDENTLY beautiful ang eksena ni Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 preliminary competition nitong Biyernes ng gabi (Sabado ng madaling araw sa Pilipinas) sa Israel.

Isa si Bea sa 80 kandidatang kalahok sa pageant na ginaganap sa Universe Arena sa Port of Eilat.

Sa kanyang introduction, suot ni Gomez, isang model mula sa Cebu, ang cocktail dress mula sa Portia and Scarlett, ang official dress sponsor of the pageant.

Habang sa swimsuit segment, ipinakita niya sa publiko ang kanyang “Silent Killer Walk” habang naka-hot pink swimsuit mula sa Gottex swimwear.

Sa evening gown competition, inirampa naman ng 26-anyos na si Bea ang pulang asymmetrical gown ni Francis Libiran.

Gaganapin ang grand coronation night sa Linggo (Lunes sa Pilipinas).