Aubrey Miles nanakawan sa Paris

NABIKTIMA ng mga kawatan si Aubrey Miles habang habang nagbabakasyon sa Paris kasama ang asawang si Troy Montero.

Sa Instagram post, sinabi ni Aubrey na nawala ang bagong bili niyang luxury bag habang naglilibot sa French capital.

“Nakuha ‘yung purchased Jacquemus bag ko,” chika ng aktres sa comment section ng kanyang post.

“Bilis nila, literal 1-2-3 lang,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Aubrey na mananatiling malapit sa puso niya ang Paris.

Sa IG post, ibinahagi niya ang mga photos nila ni Troy sa City of Light.

“Kahit nanakawan ka sa paris ng pick pockets, tuloy ang larga,” aniya sa caption. “You can’t bring us down. Dahil dyan, nag pa photoshoot pa ako.”

“Sa movies kala ko astig kayo pero sa totoong buhay parusa kayo, mga BWISIT,” dagdag ni Aubrey.