Ana Jalandoni: Mahal pa rin si Kit, pero kaso tuloy

INAMIN ng sexy actress na si Ana Jalandoni na mahal pa rin niya ang boyfriend na si Kit Thompson na nanggulpi sa kanya kamakailan sa Tagaytay City.

Sa kabila nito, hindi umano siya uurong sa pagsasampa ng kaso laban sa dating kasintahan.

“Ang love naman hindi agad mawawala andiyan pa yan pero ittutuloy ko pa rin ang kaso laban sa kanya,” ayon sa aktres sa press conference nitong Lunes.

Anya, haharapin niya ang aktor sa korte at dapat ding harapin ng kanyang BF ang kasong isasampa niya laban dito.

Dinakip si Thompson matapos nitong bugbugin ang kasintahan sa Tagaytay City. Matatandaan na humingi ng saklolo si Jalandoni sa mga kaibigan sa pamamagitan ng text dahilan para i-rescue siya ng mga pulis.

Sinabi ni Jalandoni na handa niyang patawarin ang aktor ngunit tuloy pa rin ang kasong paglabag sa Anti-Violation Against Women and Children Act