One-on-one debate ibinasura ng Comelec

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang isailalim sa one-on-one debate ang mga kumakandidato sa pagkapangulo.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na bagamat maganda ang panukala, ito ay diskriminasyon sa mga kandidato.

“Ang lahat po ng mga kandidato ay may equal chance na mabigyan ng kanilang entablado at kanilang panahon, hindi po ba? Kami po ay Commission on Elections, we should be impartial, neutral, lalung–lalo na sa halalan. Kapag nag-require tayo ng one-on-one lamang, parang pinili na natin ang iupo, ito yata iyong mananaig,” aniya.