Bagets ginahasa, pinatay sa ilalim ng tulay

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang Grade 9 student na hinihinalang ginahasa ng apat na lalaki sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa pulisya, pinatay ang biktima, 16, sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo nito ng matigas na bagay.

Nasakote naman sa follow-up operation ang isa sa mga suspek, na 33- anyos na construction worker at residente ng Brgy. Tabuco.

Nadiskubre ang katawan ng biktima alas-10:30 ng umaga nitong Martes sa ilalim ng Forever Bridge ng Sunshine Ville Subdivision sa Brgy. Cabuco.

Sinabi ng ina ng biktima na lumabas ng bahay ang anak noong Lunes ng gabi at hindi na nakabalik.

Hindi nabanggit ng ina kung sino ang kinatagpo ng anak.

Narekober naman ng pulisya ang ilang gamit ng biktima sa bahay ng suspek.

Pinaghahanap na ang iba pang suspek.