Teenager ginahasa sariling tiyahin, timbog

ARESTADO ang 19-anyos na lalaki na umano’y gumahasa sa sariling tiyahin sa Quezon, Isabela.

Todo-tanggi naman ang suspek, isang out-of-school youth at residente ng Solano, Nueva Ecija, sa akusasyon.

Pero iginiit ng biktima, 28, na ang pamangkin ang nang-abuso sa kanya.

Ayon sa biktima, nagising siya madaling araw ng Lunes na mayroong nakadagan sa kanya.

Tumakas ang suspek makaraan ang insidente.

Bago ang panggagahasa, nakipag-inuman ang suspek sa mga kamag-anak.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek, ayon sa pulisya.