Marcos kuntento sa mga nagawa ng kanyang Gabinete

KUNTENTO si Pangulong Bongbong Marcos sa mga nagawa ng miyembro ng kanyang Gabinete sa nakaraang mga buwan.

Ito’y matapos pangunahan ni Marcos ang ika-13 Cabinet meeting sa Malacanang.

“I think we have managed that and I’m very happy that we were able to do it,” sabi ni Marcos.

Nag-alok din si Marcos ng toast para sa kanyang mga opisyal.

“I am told I am to make a toast. I will toast you all for the good work that you have done, the good [start] that you have done, as I said earlier I think you have done some significant things,” dagdag ni Marcos.

Ayon kay Marcos, dapat samantalahin ng mga kalihim ang kapaskuhan para makapagpahinga sa pagsasabing marami pa silang dapat gawin.

“So with that, I suppose all that is left is to toast you and toast to all a Merry, Merry Christmas and a Happy New Year,” aniya.