Dating TV host itinalaga bilang Malacañang press briefer ni Marcos

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang dating TV host at news presenter na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “Malacañang press briefer.”

Pormal na ipinakilala si Oseña-Paez sa isinagawang press briefing sa Palasyo.

Nagsimula si Oseña-Paez news reporter ng ABS-CBN at Studio 23 at naging weather ng presenter ng The World Tonight.

Naging bahagi rin siya ng lifestyle show na F! kasama sina Angel Aquino at Cher Calvin.