Digong umaasang mas magaling papalit sa kanya

NANINIWALA si Pangulong Duterte na mas magaling ang papalit na presidente ng bansa sa sandaling bumaba siya sa pwesto sa 2022.

“I hope that the next administration will be more competent than us now, more bright than us now, and more productive than us now,” sabi ni Duterte sa kanyang lingguhang Talk to the People.

Idinagdag pa ni Duterte na hindi siya nagdududa kung may gagaling pa sa kanya.

“Hindi ako nag-aano kung may mataas pa sa akin in performance. If it is true, well, I would — I would encourage them, I would cheer them up, and I would be on the sidelines giving inputs of what I can provide for as an advice,” dagdag pa nito.

Ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng administration party na gawing pambato ng PDP-Laban habang si Senador Bong Go naman ang nais ni Pangulong Duterte na maging ka-tandem niya sakaling siya ay tumakbong pagka-bise presidente.