Digong may pa-blind item: Presidential candidate ‘masyadong corrupt’

NAGPASARING si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang presidential aspirant at tinawag itong “masyadong corrupt.”

“Mayroon naman diyan na presidente pero masyadong corrupt,” pahayag ni Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi.

“Kala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, official business, pati ‘yung mga Chinese nag-reklamo na masyadong corrupt daw,” dagdag pa ni Duterte.

Matatandaang noong nakaraang taon ay binanggit din ni Duterte na mayroong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

“There’s even a presidential candidate na nag-cocaine… May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan, mga anak ng mayaman,” ayon kay Duterte.