Vaccination ng 5-11 years old simula sa Pebrero 4

SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na nakatakdang simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa 5 hanggang 11 anyos sa Pebrero 4.

Sa kanyang ulat sa Talk to the People Lunes ng gabi, idinagdag ni Galvez na nakatakda nang dumating sa susunod na linggo ang mga bakunang Pfizer na inorder ng pamahalaan.

“Iyong ating memorandum guidance ay lalabas po ngayong week at ‘yung ating town hall meetings na pamumunuan po ng DOH and series of trainings ay tuloy-tuloy ngayong week, from January 24 to 28,” sabi ni Galvez.

“Darating po next week ang mga supply at pwede na po tayong mag-rollout by February 4, next Friday,” ayon pa sa opisyal.