Landslide win kay Abby Binay sa Makati City

NAPANATILI ni Makati City Mayor Abby Binay ang kanyang pwesto matapos siyang maiproklama Martes ng umaga bilang panalo sa mayoralty race.

Nakakuha si Binay ng 338,819 boto laban kay Joel Hernandez na nakakuha lamang ng 16,640 boto.

Wagi rin ang ka running mate ni Binay na siMakati City Vice Mayor Monique Lagdameo laban kay Rod Biolena. Nakakuha si Lagdameo ng 314,070 habang si Biolena ay nakakuha naman ng 22,498.