Isko: Life must go on

MOVE on na rin ang plano ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno matapos umamin na talo na nga siya sa nakaraang halalan at manguna na si dating Senador Bongbong Marcos Jr.

“Life must go on. Katulad po ng ipinangako ko noon sa inyo, hanggang sa kahuli-hulihang araw ko po bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila ay magtratrabaho po ako,” sabi ni Moreno.

Nauna nang nagpahayag sina Vice President Leni Robredo at Senator Panfilo Lacson ng kanilang pagtanggap sa naging resulta ng halalan.