Goma, Lucy inendorso si Marcos Jr.

PORMAL nang inendorso ng mag-asawang Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang kandidatura nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isinagawang kampanya ng UniTeam sa Ormoc City.

Ipinakilala pa ng mag-asawa si Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa.

“We always say that it is an act of God, the presidency is destiny. And if it is in God’s will for this man to be our next President, I know that he will be the best that we ever have in this country,” sabi ni Torres-Gomez.

Hindi naman nakasama si Duterte sa kampanya. Ikinatawan siya ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Inulan naman ang kampanya ng UniTeam sa Tacloban bunsod ng bagyong Agaton.

Tubong-Leyte ang ina ni Marcos na si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, samantalang taga-Maasin City, Southern Leyte naman ang lolo ni Duterte-Carpio.