18 years after: JLo, Ben Affleck engaged na naman

LOVE is lovelier the second time around para sa singer and actress na si Jennifer Lopez at aktor na si Ben Affleck matapos ianunsyo na engaged na muli ang dalawa.

Nagkabalikan ang dalawa makalipas ang 18 taon nang sila ay nag-split bilang magkarelasyon.

Sa isang video na ipinost ng 52-anyos na singer-actress, emotional niyang tinitingnan ang isang berdeng singsing sa kanyang newsletter na “On The JLo.”

Kinumpirma ng kampo ng aktress ang engagement ng dalawa sa People Magazine.

Sa report, ang singsing ay isang emerald-cut pale green diamond.

Uminit ang balita tungkol sa pagbabalikan ng dalawa noong nakaraang taon matapos silang maispatan na magkasama.