Presyo ng LPG bumaba ng P3.09 hanggang P4.20 kada kilo

BUMABA ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) nitong Enero 1.

Aabot sa P3.09 hanggang P4.20 kada kilo ang ibinaba ng cooking gas or P46.20 sa kada 11-kilogram na tangke.

Samantala, simula bukas ay magpapatupad naman ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis kung saan aabot ng P2.90 kada litro ang taas presyo sa gasolina.

Bukod sa gasolina, tataas din ang diesel ng P2.10 kada litro, samantalang P3.05 kada litro naman sa presyo ng kerosone.