1.6-M estudyante nabigyang-serbisyo ng libreng sakay

SINABI ng Malacanang na tinatayang 1.6 milyong estudyante ang nabigyan ng benepisyo sa libreng sakay ng pamahalaan.

Ayon sa year-end report ng Department of Budget and Management (DBM), ipinatupad ang libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT-2) mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022.

Nabigyan naman ng 20 porsiyentong fare discount ang 143,290 estudyante sa ilalim ng
Oplan Balik Eskwela program ng MRT-3 at Philippine National Railways (PNR).

Nagtapos naman ang libreng sakay sa EDSA bus carousel noong Disyembre 31, 2023.