National Archives of the Philippines nasunog

NASUNOG ang bahagi National Archives of the Philippines sa Maynila nitong Linggo ng madaling araw.


Aabot sa P800,000 ang inisyal na pinsala ng sunog pero hindi pa natutukoy kung anong mga dokumento ang nasunog.


Nagsimula ang sunog sa Chief Administrative Office ng ahensya pasado ala-1 ng madaling araw.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, naapula ang sunog makalipas ang dalawang oras.


Inaalam pa ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog dahil wala umanong tao sa opisina nang mangyari ito.


Wala pang pahayag ang National Archives of the Philippines ukol sa nasabing insidente. –A. Mae Rodriguez