Kadiwa ng Pasko, pagresponde sa kalamidad, aprubadong programa ng Marcos admin, ayon sa survey

APRUBADO ng publiko ang mga programa ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kabilang ang Kadiwa ng Pasko, pagresponde sa kalamidad, at Libreng Sakay, ayon sa pinakahuling survey ng PUBLiCUS.

Base sa isinagawang survey ng PUBLiCUS Asia Inc. mula Nobyembre 25 hanggang 30, 2022, 84 porsiyento ng mga respondent ang suportado ang Kadiwa ng Pasko.

Samantala, 8 sa 10 Pinoy ang pabor sa pag-aksyon ng pamahalaan sa mga kalamidad.

Ayon pa PUBLiCUS, suportado ng 80 porsiyentong respondent ang
Libreng Sakay ng pamahalaan sa EDSA Bus Carousel.

Ginamit ang survey sa 1,500 rehistradong botante na lumahok sa PAHAYAG 2022 End of the Year Survey.