Jake Cuenca lagot kay Eleazar

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na mananagot si Jake Cuenca makaraan nitong takbuhan ang nabanggang sasakyan ng pulis.


Papunta si Cuenca sa bahay ng kaibigan na si Paulo Avelino nang mabangga ng kanyang SUV ang sasakyan ng pulis saka tinakbuhan ito.


Pinagbabaril naman ang sasakyan ni Cuenca para huminto ito.


“Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place: May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula,” ani Eleazar.


Iginiit ng opisyal na pambabastos ang ginawa ni Cuenca sa mga pulis.


“Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences,” pahayag ng PNP chief.


“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas, at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili,” dagdag nito.


Humingi naman ng tawad si Eleazar sa Grab driver na nadamat sa insidente. –A. Mae Rodriguez