Granada iniwan sa tabi ng The Philippine Star office

NATAGPUAN ang isang granada sa kariton na ipinarada sa tabi ng tanggapan ng The Philippine Star sa Port Area, Manila ngayong umaga.


Ayon kay Capt. Rey Bundilian, hepe ng Manila Police District-Port Area PCP station, nadiskubre ng may-ari ng kariton ang walang pin na granada alas-9:30 kaya agad niyang ipininagbigay-alam sa mga pulis.


Agad rumesponde ang mga taga-Explosives and Ordnance Division ng MPD at kinordon ang 13th at Railroad streets.


Itinanggi naman si Bundilian na mayroong planong pasabugin ang tanggapan ng The Philippine Star.
Aniya, maaaring itinapon lang ng may-ari ang lumang granada sa kariton.