2 trak ng bumbero nagsalpukan; 4 sugatan

SUGATAN ang apat na fire volunteers nang magbanggaan ang dalawang trak ng bumbero sa Caloocan City Martes ng gabi.


Ayon sa ulat, tumilapon ang apat na bumbero dahil sa lakas ng impact.


Naganap ang aksidente sa panukukan ng 4th Ave. at D. Aquino st.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima at pinsala na kanilang tinamo.