Vice waiting pa sa patawad ni Jessica?

PARA sa showbiz insider na si Ogie Diaz, mabubuo lamang ang saya ni Vice Ganda sa pagtuntong sa GMA 7 kapag napatawad na siya ni Jessica Soho.


“Feeling ko, para maging buo, as in 100 percent ‘yung happiness ni Vice sa kanyang pagtuntong sa GMA, feeling ko ‘yan na lang ang kulang, ‘yung kapatawaran ni Jessica Soho sa kanya at ‘yung pagsisimula ng kanilang friendship kung mabibigyan ng pagkakataon,” ani Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.


Isiniwalat ni Ogie na mayroong demolition job kay Vice at kabilang daw sa binubuhay na issue ay ang pag-body shame ni Vice sa veteran broadcast journalist.


Nagsimula ang issue sa rape joke ni Vice sa concert niya noong May 2013.


Ani Vice, kung magiging bold star sa pelikula si Jessica ay kailangang “gang rape.”


“Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘E nasaan ‘yung apple?’”


Humingi ng paumanhin si Vice kay Jessica makaraang ma-bash nang husto pero magpahanggang ngayon ay hindi pa umano siya napapatawad ni Jessica.