Quiboloy armado ng 19 baril

KINUMPIRMA ng Philippine National Police na mayroong 19 baril si Kingdom of Jesus Christ founder-leader Pastor Apollo Quiboloy. 

Ani PNP-PIO acting chief at spokesperson Col. Jean Fajardo, valid at existing pa ang lisensya ng 18 sa mga baril habang isa ay napaso na.

Gayunman, ipinunto ni Fajardo na hindi pa maikokonsidera na “armed and dangerous” si Quiboloy dahil  “wala itong record na naging marahas” at wala ring na-monitor ang pulisya na may private army ito.

Pinag-aaralan na PNP Firearms and Explosives Office kung maaaring suspendihin ang mga lisensya sa harap ng patong-patong na kaso ng religious leader.