Convoy ni Chavit pumasok sa EDSA busway; matapos harangin, tiketan, MMDA nag-sorry

TINEKITAN ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang convoy ni dating Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson nang dumaan ito sa Edsa  busway Lunes ng umaga.

Dalawang sasakyan ni Singson, ani Gabriel Go, Officer in Charge ng MMDA Special Operations Group Strike Force, ang naharang.

Isa rito ay ang armored vehicle, kung saan sakay si Singson, at isa ay SUV.

Pinatawan ang dating gobernador ng P5,000 sa pagdaan sa kalsada na ekslusibo lamang sa mga pampasaherong bus.

Sa video na kuha sa pangyayari, pinamadali ni Singson ang mga tauhan ng MMDA sa pagtitiket sa kanya dahil huli na umano siya sa pupuntahang event.

Todo-hingi naman ng paumanhin kay Singson ang mga humarang sa kanya.