Pang-9 na linggo na: Oil price hike na naman

MAGTATAAS na naman ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil companies simula bukas ng umaga, Sept. 5.

Nag-abiso na ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil at Shell na magtataas sila ng 50 sentimo sa kada litro ng gasolina habang P1.20 sa kada litro naman ng diesel.

Tataas din ang presyo ng gaas o kerosene ng P1.10 kada litro.

Ito na ang ika-siyam na linggo ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.