‘It’s Showtime’ suspendido ng 12 araw

IPINAG-UTOS ng Movie and Television Review and Classification Board ang 12-araw ng suspensyon sa pagsasa-ere ng noontime show na “It’s Showtime” dahil sa “indecent manner the program hosts acted in during one of its segments.”

Inisyu ng MTRCB ang kautusan ngayong araw, Setyembre 4.

Ipinunto ng MTRCB na ang naganap sa “Isip Bata” segment ang unang beses na lumabag ang noontime show sa alituntunin ng ahensya ngayong taon.

Samantala, nag-trending naman sa X (na dating Twitter) ang “It’s Showtime” makaraang mapagdesisyunan ng MTRCB na “indecent” ang ginawang pagdila ng cake nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata.”

Kabilang sa mga trending topics ang “Showtime,” “MTRCB,” “Lala Sotto,” “IonPerez,” “ABS-CBN,” at “YOU ARE LOVED VICEION.’

Nagpahayag naman ng suporta ang mga fans ng mag-asawang Vice Ganda at Ion.

Sey ng mga fans nina Vice at Ion:

“The audacity to callously brand them ‘indecent’. rest assured, your statement will not be forgotten. This is LOVE, this is also a statement. walang magtatago, yang mga homophobic na may double standards ang dapat mahiya.”

“Walang indecent sa pagkain ng icing gamit ang daliri!”

“Walang mali sa ginawa nyo ni Ion. Sadyang marurumi lang ang isip nila at mahilig maglagay ng malisya sa utak nila. Naniniwala akong hinding hindi kayo papabayaan ni Lord na maghirap at masaktan dahil minamahal nya kayo ni Ion.”

“Dito lang kami, kami bahala sa inyo. Wala kayong kasalanan. Mahigpit na yakap.”