Juan Karlos nadapa sa stage, paa na-injure

NAGTAMO ng injury sa kaliwang paa si Juan Karlos “JK” Labajo nang maaksidente habang nagpe-perform sa Orani, Bataan.


Sa Instagram, shinare ni JK ang kanyang photo, kung saan nakabenda ang kanyang kaliwang paa, kasama ang mga medic.


“Isa sa mga pinaka energetic at pinakamagandang crowd na nakasama namin this year! Orani, talagang nahulog ako sa inyo! Sobrang saya! Hanggang sa muli!” ani JK sa caption.


Ayon sa ulat, paakyat ng stage si JK nang madapa ito at mapuruhan ang kaliwang paa.


Agad naman siyang nirespondehan at binigyab ng paunang lunas ng mga nakabantay na medic.


“Salamat sa ating mga kuya na medic,” ani JK.