Maine kinontra ng fans ukol sa hair style

PINAGSISIHAN ni Maine Mendoza ang pagpapagupit niya ng buhok nang maiksi pero pinakalma siya ng mga tagasuporta dahil maganda at bagay naman daw ito sa kanya.


Sa X, shinare ni Maine na nagpagupit siya ng buhok sa isang popular na hair salon abroad.


“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the experience and spontaneity only to regret it later,” sey niya.


Sa isang kumalat na pics ni Maine, makikita na umiiyak ito habang gulat na gulat sa kinalabasan ng gupit.


“Post ko pa din, for the occasional Tiktok content,” sabi niya.


Iginiit naman ng mga fans na maganda ang kinalabasan ng gupit.
Sey nila:
“Maganda naman! Summer look! Wala pang kamukha!”
“Khit kalbo kapa. Lamyu Memeng ko.”
“Sobrang ganda mo menggay!”
“Okay lang bagay pa rin sayo maganda ka parin Maine Cutie.”
“Ang iksi ng buhok ni @mainedcm pero ganda niya.”