Jeepney driver may free water sa pasahero

KINABILIBAN ng publiko ang jeepney driver sa Tarlac na nagbibigay ng libreng tubig sa kanyang mga pasahero.


Ibinahagi sa social media ni Micaella Nelmida ang larawan ng water jug at plastic cup na nasa likod ng driver.


“I was amazed po because it was my first time to see na may jeepney drivers offering free water,” aniya.


“I found it as a kind gesture po and sobrang rare po sakin na makakita ng mga jeep na may ganun,” dagdag ni Micaella.


Ayon sa uploader, inaalok ng driver ang tubig sa mga bagong sumasakay.


“Nung nag stop po siya sa may PNB, in front of TSAT para po magsakay ulit he said, ‘uminom po kayo, may libreng tubig po tayo jan’,” sinabi pa ni Micaella.


Mensahe niya sa driver: “I salute you po for showing care to your passengers. Nawa’y maging isang ehemplo po kayo sa mga co-jeepney drivers. May God bless you even more, Kuya Driver. 🫡”
(Micaella Nelmida/Instagram)