Hiwalayang Richard-Sarah: Starlet tumanggi siya ang dahilan

AGAD tinuldukan ng Kapuso actress na si Kazel Kinouchi amg mga chika na may relasyon sila ni Richard Gutierrez makaraan siyang maispatan na kasama ang aktor at mga anak nito sa isang party.

Sa Instagram, isang netizen ang nagtanong kay Kazel kung ano ang real score sa kanila ni Richard.

“Is you and Richard Gutierrez in a relationship?”

“San mo naman nakuha yan?” tanong ni Kazel.

“Facebook.”

“NO.”

“Pweh nakita ka din disappointing pinafollow ka pa man din ni @sarahlahbati.”

“Get a life, seriously.”

“Eh bakit kayo magkasama noong Halloween with kids of chard?”

Bago ito, nag-viral ang isang video kung saan makikitang nasa iisang Halloween party sa Ayala, Alabang sina Kazel at Richard, na kasama ang mga anak nila ni Sarah.

Mainit ang mga balita na naghiwalay na nga ang dalawa bagamat wala pang mga kumpirmasyon tungkol dito.

At recently ay meron ngang post ang aktor tungkol sa moving on.

“Get up, change of perspective, move forward…and let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude,” ayon sa post ni Richard.