Patay sa Sarangani quake umakyat na sa 7

NASA pito na ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa maraming lugar sa Mindanao nitong Biyernes ng hapon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gayunman, sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin nila itong bineberipika.

Niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang Sarangani pasado alas-4 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa report, isang mag-asawa ang nasawi sa General Santos City dahil sa lindol, habang apat pa ang unang naitalang nasawi sa Region XII (SOCCSKARGEN).

Isa ring empleyado ng salon sa General Santos City ang nasawi matapos mabagsakan ng mga debris.